Chel: Pantay dapat lahat sa halalan

PLANONG isulong ng Otso Diretso candidate­ na si Atty. Chel Diokno­ ang mga reporma sa election law ng bansa­ upang mabigyan ng pantay na pagkakataon ang lahat ng nais makibahagi sa eleksyon—at hindi lang iyong may pera at kapangyarihan.

The post Chel: Pantay dapat lahat sa halalan appeared first on Abante News Online.

chel pantay dapat lahat sa halalan - Chel: Pantay dapat lahat sa halalan
abante Chel Diokno - Chel: Pantay dapat lahat sa halalan

PLANONG isulong ng Otso Diretso candidate­ na si Atty. Chel Diokno­ ang mga reporma sa election law ng bansa­ upang mabigyan ng pantay na pagkakataon ang lahat ng nais makibahagi sa eleksyon—at hindi lang iyong may pera at kapangyarihan.

Daing ni Chel na marami sa mga kandidato na karapat-dapat ang nababaon sa mga survey dahil sa kakulangan nila ng panggastos para magpakilala sa publiko, ‘di gaya ng mga mapeperang kandidato.

Giit ni Chel—isang abogado na kilalang tumutulong sa mga mahihirap at naaapi—hindi naman daw tarpaulin at kantahan lamang ang gagawin sa Senado.
“Kung tutuusin, hindi rin makatarungan ang eleksyon kasi ang gusto ng mga kandidato ng administrasyon ay paramihan na lang ng tarp at pag nangangampanya ay tawanan nalang at kantahan,” ani Chel.

“Pero hindi naman po tayo gagawa ng tarp sa Senado at hindi rin naman comedy bar o videoke ang Senado. Gagawa tayo ng batas,” dagdag niya.

Kaya naman kapag siya ay nabigyan ng pagkakataon na maglingkod sa Senado, pangako ni Chel na isusulong niya ang mga reporma sa batas para bigyan din ng pagkakataon na mas makilala ang mga kandidatong walang pera ngunit may napatunayan na sa serbisyo-publiko.

Nagdesisyon din na lumahok si Chel sa politika dahil karamihan sa mga lider ng bansa at mga politiko ay ilag sa usapang katarungan at pananagutan.

“Bakit ayaw pag-usapan ang katarungan? Ang ibig sabihin ng katarungan ay pananagutan. Baka sila ang ­unang managot at mabilanggo? Kapag binigyan ng lakas ang ating mga kapatid baka hindi na sila iboto,” aniya.

Kasama din ni Chel sa Otso Diretso sina Senator Bam Aquino at Magdalo Congressman Gary Alejano; dating senador Mar Roxas at dating congressman Erin Tañada; dating Solicitor General na si Pilo Hilbay, beteranong abogado na si Atty. Romy Macalintal, at dating ARMM assemblywoman na si Samira Gutoc.

The post Chel: Pantay dapat lahat sa halalan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *