Chel: Mga promotor ng fake news, panagutin

Sinusuportahan ng kandidato ng Otso Diretso na si Chel Diokno ang pagpapanagot sa mga grupong nagpapakalat ng fake news sa social media, kabilang na ang mga troll pages na hawak ng mga supporter ni Pangulong Duterte.

The post Chel: Mga promotor ng fake news, panagutin appeared first on Abante News Online.

chel mga promotor ng fake news panagutin - Chel: Mga promotor ng fake news, panagutin
chel 6 - Chel: Mga promotor ng fake news, panagutin

Sinusuportahan ng kandidato ng Otso Diretso na si Chel Diokno ang pagpapanagot sa mga grupong nagpapakalat ng fake news sa social media, kabilang na ang mga troll pages na hawak ng mga supporter ni Pangulong Duterte.

Sinabi ito ni Chel sa isang panayam noong Linggo kasama si Vice President Leni Robredo kung saan natalakay nila ang pagpapatanggal ng Facebook sa mahigit 200 pages na nagpapakita ng “coordinated and inauthentic behavior.”
Sa mensahe ng Facebook, sinabi ng Cybersecurity Policy head nito na si Nathaniel Gleicher na ang mga accounts na na-ban na Facebook at Instagram ay hawak mismo ng communication strategist ni Duterte na si Nicanor Gabunada Jr.

Paliwanag ni Chel—isang respetadong abogado—mas makakatulong kung makikipagtulungan ang Facebook sa pagpapanagot sa mga nagkakalat ng fake news at maling impormasyon sa Internet para siraan ang mga kritiko ng Pangulo.

“Doon ko nga na-realize iyong extent pala niyan, grabe pala iyan. At iyong talagang masamang epekto niyan iyong sa mga kabataan kasi it’s very easy to be fooled,” ani ni Chel.

Ani ni Chel maaaring kasuhan ang mga grupo sa likod ng pagpapalaganap ng fake news. Pasok daw ito sa paglabag ng cyber laws ng bansa.

Kasama din ni Chel sa Otso Diretso sina Senator Bam Aquino at Magdalo Congressman Gary Alejano; ang mga nagbabalik na lingkod-bayan na sina dating senador Mar Roxas at dating congressman Erin Tañada; at ang mga bago ring sasabak sa politika: ang dating Solicitor General na si Florin Hilbay, beteranong abogado na si Atty. MacaRomy Macalintal, at dating ARMM assembly­woman na si Samira Gutoc. (Aries Cano)

The post Chel: Mga promotor ng fake news, panagutin appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *