Chel: Huwag lang mga pusher, mga drug lord habulin din

NANAWAGAN ang Otso Diretso candidate na si Chel Diokno sa international community na patuloy na panagutin ang administrasyong Duterte sa ‘di pagsunod nito sa karapatang pantao, sa gitna ng pagpapatuloy sa “war on drugs” sa bansa.

The post Chel: Huwag lang mga pusher, mga drug lord habulin din appeared first on Abante News Online.

chel huwag lang mga pusher mga drug lord habulin din - Chel: Huwag lang mga pusher, mga drug lord habulin din
abante diokno - Chel: Huwag lang mga pusher, mga drug lord habulin din

NANAWAGAN ang Otso Diretso candidate na si Chel Diokno sa international community na patuloy na panagutin ang administrasyong Duterte sa ‘di pagsunod nito sa karapatang pantao, sa gitna ng pagpapatuloy sa “war on drugs” sa bansa.

Ipinahayag ito ni Chel sa mga eksperto mula sa iba’t ibang international organization nang maimbitahan upang magsalita sa Ministerial Segment of the UNODC (United Nations Office on Drugs and Crime) Commission on Narcotic Drugs sa Vienna, Austria noong nakaraang Huwebes.

Sa kanyang mensahe, mariing diniin ni Chel, isang kilalang human rights lawyer, na kung talagang seryoso ang pamahalaan sa pagsugpo ng iligal na droga sa bansa, dapat habulin ang mga mala­laking sindikato at drug lord kaysa mga maliliit na drug pusher.

Isa si Chel sa mga respetadong abogado ng grupo niyang FLAG o Free Legal Assistance Group na kumakatawan sa mga pamilya at biktima ng extrajudicial killings.

Sa pagpapatuloy, pinaliwanag ni Chel sa mga eksperto sa Vienna ang kasalukuyang sitwasyon ng karapatang pantao sa Pilipinas, kabilang na ang pagtiwalag ng bansa sa International Criminal Court (ICC).

Kasama din ni Chel sa Otso Diretso slate sina Senator Bam Aquino at Magdalo Congressman Gary Alejano; ang mga nagbabalik na lingkod-bayan na sina dating senador Mar Roxas at dating Congressman Erin Tañada; at ang mga bago ring sasabak sa politika: ang dating Solicitor General na si Florin Hilbay, beteranong election lawyer na si MacaRomy Macalintal, at dating ARMM assemblywo­man na si Samira ­Gutoc. (Aries Cano)

The post Chel: Huwag lang mga pusher, mga drug lord habulin din appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *