Chel happy sa pag-usad ng mga EJK case

IKINATUWA ng human rights lawyer at Otso Diretso candidate na si Chel Diokno ang pag-uutos ng Korte Suprema na ilabas ang mga dokumento tungkol sa libo-libong kaso ng pagpatay na konektado sa laban sa droga ng administrasyong Duterte.

The post Chel happy sa pag-usad ng mga EJK case appeared first on Abante News Online.

chel happy sa pag usad ng mga ejk case - Chel happy sa pag-usad ng mga EJK case
politiko Chel Diokno - Chel happy sa pag-usad ng mga EJK case

IKINATUWA ng human rights lawyer at Otso Diretso candidate na si Chel Diokno ang pag-uutos ng Korte Suprema na ilabas ang mga dokumento tungkol sa libo-libong kaso ng pagpatay na konektado sa laban sa droga ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Chel, na tumutulong sa mga pamil­yang nawalan sa ilalim ng Oplan Tokhang, ito ay magandang hakbang tungo sa pagpapanagot ng mga opisyal na responsable sa walang-habas na pagpatay sa libo-libong Pilipino, na karamihan ay pinaratangang “nanlaban” sa awtoridad.

“Kami ay natutuwa dahil malaking bagay ito pagda­ting sa transparency and accountability in the drug war,” wika ni Chel, ang kasalukuyang pinuno ng Free Legal Assistance Group (FLAG), isang samahan ng mga abogadong tumutulong sa mga sektor na nangangailangan ng abogado ngunit walang pambayad ng legal fees.

“Alam ninyo, matagal nang nililihim ng pamalahaan itong mga datos na ito. At kami ay nagtataka bakit nila tinatago iyan. Kung wala namang masama doon sa mga nangyari at sa ginagawa nila sa drug war, why are they keeping this away from the eyes of the public?” dagdag pa ni Chel.

Maituturing na tagumpay ang utos ng Korte Suprema, dahil sinubukan ng pamahalaan—sa pa­ngunguna ni Solicitor General Jose Calida—na pilit itago ang mga dokumentong ito, kabilang na ang police reports at iba pang resulta ng imbestigasyon tungkol sa mga kaso ng Tokhang.

Dahil sa pagbasura ng Korte Suprema sa mosyon ni Calida, maaari nang makakuha ang FLAG at ang iba pang petitioners sa kaso ng mga kopya ng mga report, para suportahan ang mga testimonya ng mga biktima ng drug war.

Tinatayang nasa 20,322 ang bilang ng mga indibidwal na napatay ng mga vigilante at mga pulis sa kampanya ng Pangulo kontra iligal na droga.

Ayon kay Chel, nakakapagtaka na pare-pareho ang kuwentong “nanlaban” ang libo-libong pinatay, at ang pagkakaroon ng access sa mga dokumento ay makakatulong na magbigay-linaw kung may pattern ang mga pagpatay na ito. (Aries Cano)

The post Chel happy sa pag-usad ng mga EJK case appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *