CHED scholarship sa mga medical student tagilid

Namimiligrong hindi maipagpatuloy ang scholarship program para sa medical students dahil sa tinapyas na pondo para dito.

The post CHED scholarship sa mga medical student tagilid first appeared on Abante.

ched scholarship sa mga medical student tagilid - CHED scholarship sa mga medical student tagilid
ched 2 - CHED scholarship sa mga medical student tagilid

Namimiligrong hindi maipagpatuloy ang scholarship program para sa medical students dahil sa tinapyas na pondo para dito.

Sa budget hearing ng Kamara sa 2021 purposed budget ng Commission on Higher Education (CHED), lumitaw na tinapyasan ng 60% ang budget sa scholarship habang wala namang alokasyon sa medical students cash grant.

Napag-alaman ding 19 sa mga SUCs ang binawasan ang alokasyon sa susunod na taon, 18 SUCs ang tinapyasan ang MOOE at 56 SUCs sa capital outlay.

Paliwanag naman ni CHED Chairperson Prospero de Vera, mayroong pang pondo sa cash grants sa mga medical students ngunit para lamang taong 2020 hanggang 2021. Ang wala umanong budget allocation ay sa 2021-2022

“We hope Congress can sustain this. We will tell Congress, and ask Congress to re-align,” ayon kay de Vera.

Sa ngayon ay mayroon umanong 1,789 medical students na pinondohan mula sa cash grant. (Eralyn Prado)

The post CHED scholarship sa mga medical student tagilid first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *