CHED binakbakan sa ‘no Christmas break’

UMANI ng batikos ang Commission on Higher Education (CHED) kaugnay sa naging pahayag na posibilidad ng pag-alis sa summer o Christmas break dahil sa nangyaring adjustment ng academic calendar.

The post CHED binakbakan sa ‘no Christmas break’ first appeared on Abante.

ched binakbakan sa no christmas break - CHED binakbakan sa ‘no Christmas break’
abante ched - CHED binakbakan sa ‘no Christmas break’

UMANI ng batikos ang Commission on Higher Education (CHED) kaugnay sa naging pahayag na posibilidad ng pag-alis sa summer o Christmas break dahil sa nangyaring adjustment ng academic calendar.

Maliban sa pag-alis sa summer at Christmas break ay inilutang din ni CHED chairperson Prospero de Vera ang posibilidad ng hindi pagkakaroon ng klase tuwing weekend.

“‘Yung Christmas break after the second week of December, you put a Christmas break because students have to go home, [but] they’re not going home. They’re already at home,” ani De Vera sa isang ambush interview matapos ang inspeksiyon sa COVID-19 response ng Malabon City nakaraang linggo.

Dahil dito nanggalaiti ang mga netizen sa CHED na tila umano walang pakialam sa mental health ng mga estudyante at guro.

Dahil dito, binansagan ng mga netizen si De Vera na “insensitive” at “walang puso”.

May mga giniit naman na tao sila at hindi makina o robot.

May ilan ding netizen na binanggit ang mga kaso ng education-related suicide na naganap habang tinutulak ng gobyerno ang distance learning habang may pandemya.

Gayunman ay sang-ayon ang ilan na magsagawa na ng klase sa weekend, kabilang ang Linggo, dahil aniya “flexible” na ang paraan ng pag-aaral sa mga pamantasan habang may pandemya. (Riley Cea)

The post CHED binakbakan sa ‘no Christmas break’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *