Checkpoint sa Bukidnon binomba, 2 pulis nadale

Dalawang pulis ang kapwa nasugatan matapos masabugan ng hinagis na granada ng dalawang di pa nakilalang mga nakamotorsiklong salarin habang nasa checkpoint ang mga biktima, Lunes ng gabi sa Cabanglasan Bukidnon.

checkpoint sa bukidnon binomba 2 pulis nadale - Checkpoint sa Bukidnon binomba, 2 pulis nadale
grenade 2 - Checkpoint sa Bukidnon binomba, 2 pulis nadale

Dalawang pulis ang kapwa nasugatan matapos masabugan ng hinagis na granada ng dalawang di pa nakilalang mga nakamotorsiklong salarin habang nasa checkpoint ang mga biktima, Lunes ng gabi sa Cabanglasan Bukidnon.

Kinilala ng pulisya ang nasugatang biktimang sina Police staff Sargeant Junmark Suico at Patrolman Alvin Claunan, kapwa nakatalaga sa 1st Bukidnon Police Mobile Force Company. Sa ngayon ay ligtas na sa panganib ang dalawa.

Bago ang insidente ay ginulo muna ng di pa nakikilalang riding-in-tandem ang mga biktima habang naka-duty community control checkpoint. Kasunod noon ay naghagis na ang mga ito ng Granada na ikinasugat ng dalawang pulis.

Tinangka pa ring dakpin ng sugatang mga pulis ang dalawang suspek subalit mabilis pa ring nakatakas ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *