Champion detergent owner sasabunin

INASAHANG sabunang walang banlawan ang haharapin ng may-ari at mga opisyal ng Peerless Products Manufacturing Corporation (PEPMACO) matapos maghain ng resolusyon ang isang grupo ng mambabatas upang maimbestigahan ang umano’y pag­labag sa Occupational Safety and Health Standards (OSH) Law ng kompanya.

The post Champion detergent owner sasabunin appeared first on Abante News Online.

champion detergent owner sasabunin - Champion detergent owner sasabunin
ABANTE champion - Champion detergent owner sasabunin

INASAHANG sabunang walang banlawan ang haharapin ng may-ari at mga opisyal ng Peerless Products Manufacturing Corporation (PEPMACO) matapos maghain ng resolusyon ang isang grupo ng mambabatas upang maimbestigahan ang umano’y pag­labag sa Occupational Safety and Health Standards (OSH) Law ng kompanya.

Nakapaloob ito sa House Resolution No. 27 na inihain nina Gabriela Rep. Arlene D. Brosas, Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Isagani Zarate, Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat; ACT Teachers Party-list Rep. France Castro at Kabataan Party-list Rep. Sara Jane Elago na bumubuo ng grupong Makabayan bloc.

Pinakikilos nila ang House committee on labor and employment na magsagawa ng imbestigasyon laban sa PEPMACO, ang ma­nufacturer ng Champion detergent bar and powder, Hana shampoo, Systema toothpaste at Calla fabric conditioner at minamay-ari ng negosyanteng si Simeon Tiu.

Ayon sa resolusyon, nalalagay sa pa­nganib ang kalusugan ng 500 manggagawa sa production plant ng PEPMACO sa Canlubang, Laguna.

“PEPMACO workers are chronically exposed to surfactant, the main ingredient in the manufacture of detergent powder and shampoo, which are found to have severe external and internal effects on the human body due to its toxicity,” ayon sa resolusyon ng mga Makabayan bloc.

“PEPMACO workers recounted that the company does not provide personal protective equipment (PPE) to its workers such as gloves and industrial face masks, forcing workers to just use handkerchiefs to cover their nose and mouth while at work.” dagdag sa resolusyon.

Bukod dito, pinaiimbestigahan naman ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang ginagawang labor only contracting ng kompanya ni Tiu.

Nitong Hunyo 28 lamang ay marahas na binuwag ang picket line ng mga manggagawa sa Laguna. Bandang ala-una nang madaling-araw, nagulantang ang may nasa 200 manggagawang nagpapahinga sa picket line na itinayo ng unyon nang pinaghahampas sila ng baton at binomba ng tubig ng mga armado at nakamaskarang kalalakihan na lulan ng dalawang van. Bukod dito, pinagbabato pa ng nag­lalakihang tipak ng bato ang mga manggagawa.

Nakapagtala ng ‘di bababa sa 11 manggagawa ang nasugatan at isinugod sa ospital. Winasak rin ang nasabing pic­ket line, gayundin ang inimbak na pagkain at mga personal na gamit ng mga manggagawa.

“Ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga manggagawa sa Pepmaco ay pasilip lang sa tunay na kalagayan ng kalakhan ng mga manggagawa sa buong bansa.”

ani Roneo Clamor, pangalawang pangkalahatang kalihim ng grupong Karapatan
Simula noong Hunyo 24, itinayo ang pikect line nang may nasa 200 manggagawa ng nasabing pabrika sa Laguna bitbit ang kanilang mga lehitimong pa­nawagan laban sa masahol na kalagayan sa paggawa, mababang pasahod, kawalan ng benepisyo, kontraktuwalisasyon at malawakang tanggalan, at union-busting.

Sa kasalukuyan, nasa P378 ang minimum na sahod ng mga manggagawa kada araw sa Pepmaco, sa kabila ng 12 na oras na trabaho at walang day-off. Bukod rito, karamihan sa kanila ay kontraktwal, at madalas ay lantad sa mga nakakalasong kemikal habang nagtatrabaho.

Sinikap naman ng Abante na hingan ng reaksyon ang kinatawan ng kompanya subalit hindi kami nakakuha.

The post Champion detergent owner sasabunin appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *