Chalk allowance ng mga guro gawing P10K – Recto

Hindi na umano kasya ang P3,500 na chalk allowance ng mga guro sa pampublikong paaralan kaya dapat gawin na itong P10,000 kada taon, ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto.

chalk allowance ng mga guro gawing p10k recto - Chalk allowance ng mga guro gawing P10K – Recto
recto 7 - Chalk allowance ng mga guro gawing P10K – Recto

Hindi na umano kasya ang P3,500 na chalk allowance ng mga guro sa pampublikong paaralan kaya dapat gawin na itong P10,000 kada taon, ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto.

Sabi ni Recto, pumapatak na sa kasalukuyang budget ng Teaching Supplies Allowance (TSA) na P3,500 kada buwan, ay katumbas ng P16 kada araw na budget para sa instructional supplies ng mga guro.

Ibig sabihin, pumapatak aniya na 50 sentimo lang ang chalk allowance ng mga guro sa bawat estudyante kada isang araw.

“Hindi na talaga kasya. Especially in this digital age, when IT-assisted learning is the norm, which requires computer-and broadband-use related supplies,” sabi ni Recto.

“Dahil si titser ay may tambak na homework din, kailangan niya ng dagdag na supplies para sa mountains and gigabytes ng reports na kailangan niyang maipasa,” dagdag pa nito.

Sa panukala ni Recto, mula sa kasalukuyang P3,500 na taunang TSA para sa mga guro, nais niyang gawin itong P10,000.

“I hope that floor debates on the measure will bring to fore the need for a high amount,” ani Recto.

Sa pagdagdag ng chalk allowance ng mga guro, kinakailangan lang umano ng gobyerno na magdagdag ng P1.25 bilyon sa panukalang 2020 national budget.

Bukod sa panukalang dagdag na chalk allowance, dapat ipasa rin ang iba pang mga panukala tulad ng dagdag na suweldo para sa mga guro gayundin ang kanilang clothing allowance, pagbuo ng mas mataas na ranggo at dagdag na tax-free Perosnnel Economic Relief Allowance .

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *