Cha-cha nakasalalay sa taumbayan

Sa kamay pa rin ng taumbayan ang kapalaran ng pagbubuhay ng Charter Change (Cha-cha).

The post Cha-cha nakasalalay sa taumbayan first appeared on Abante.

cha cha nakasalalay sa taumbayan - Cha-cha nakasalalay sa taumbayan
Chacha - Cha-cha nakasalalay sa taumbayan

Sa kamay pa rin ng taumbayan ang kapalaran ng pagbubuhay ng Charter Change (Cha-cha).

Ito ang nilinaw ni House Committee on Constitutional Amendments Chair Rep. Alfredo Garbin Jr.

Paliwanag ni Garbin, ang buong proseso sa pag-amyenda ng Konstitusyon ay magiging bukas at walang itatago bukod sa susunod ito sa legislative process at kung anuman ang aaprubahan ay ipapasa sa taongbayan para sa desisyon nito.

“Anuman ang aprubahan namin, ipapasa namin sa taumbayan para sila ang mag-desisyon. Kami ay mga representante lamang na nagpapanukala. Pero ang sabi ng Konstitusyon, ‘because sovereignty resides in the people’ sila ang mag-aapruba ng anumang panukala sa pag-amyenda ng Saligang Batas” giit ni Garbin.

Una nang siniguro ni Garbin na sesentro lamang ang Cha-cha sa restrictive ‘economic provision’ ng saligang batas base na rin sa direktiba ni Speaker Lord Allan Velasco. (Eralyn Prado)

The post Cha-cha nakasalalay sa taumbayan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *