Cellphone snatcher, palimos ang modus

Cellphone snatcher, palimos ang modus

MAG-INGAT sa mga gumagalang namamalimos sa bahay-bahay nang arestuhin ang isang 42-anyos na lalaki matapos bitbitin ang dalawang cellphone sa loob ng isang bahay sa Imus City Cavite.

cellphone snatcher palimos ang modus - Cellphone snatcher, palimos ang modus
cp - Cellphone snatcher, palimos ang modus

MAG-INGAT sa mga gumagalang namamalimos sa bahay-bahay nang arestuhin ang isang 42-anyos na lalaki matapos bitbitin ang dalawang cellphone sa loob ng isang bahay sa Imus City Cavite.

Nakakulong nga­yon sa Imus City Custodial Center ang suspek na si Percival Patricio, binata, ng Block 36 Lot 6 Phase 2 City Homes, Brgy. Langkaan Dasmariñas City, Cavite dahil sa reklamo ng magkapatid na Monalisa, 38, at Allan Alferez, 36, kapwa residente ng Block 2, Lot 2 Diamond Village Anabu 1 Imus city, Cavite.

Sa ulat ni P/SSgt. Tristan Tamayo ng Imus City Police Station, dakong alas-otso kamakalawa ng gabi nang bitbitin ang suspek ng magkapatid sa aktong tangay nito ang cellphone ng dalawa.

Modus operandi ng suspek na magbahay-bahay at nagpapanggap na namamalimos.

Pinasok nito ang bahay ng magkapatid at nang napansin na walang tao sa sala at naispatan ang dalawang­ cellphone ay tina­ngay nito.

Gayunman, tiyempo namang palabas si Monalisa at nakitang papalabas din ang suspek kaya tinawag niya ang kanyang kapatid at hinabol ito hanggang sa naabutan kaya nabawi ang cellphone. (Gene ­Adsuara)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *