CebuPac nganga sa ayuda, magbebenta ng shares

MANGANGALAP ng $500 milyon ang Cebu Pacific ng mga Gokongwei sa pamamagitan ng pagbebenta ng shares sa kompanya para makaraos habang matabang ang pagtanggap ng Department of Finance sa apela ng industriya para sa ayuda.

The post CebuPac nganga sa ayuda, magbebenta ng shares first appeared on Abante.

cebupac nganga sa ayuda magbebenta ng shares - CebuPac nganga sa ayuda, magbebenta ng shares
cebu 3 - CebuPac nganga sa ayuda, magbebenta ng shares

MANGANGALAP ng $500 milyon ang Cebu Pacific ng mga Gokongwei sa pamamagitan ng pagbebenta ng shares sa kompanya para makaraos habang matabang ang pagtanggap ng Department of Finance sa apela ng industriya para sa ayuda.

Sa disclosure sa Philippine Stock Exchange, sinabi ng Cebu Pacific na magbebenta ito ng $250 milyong convertible preferred shares at uutang ng hanggang $250 milyon sa pamamagitan ng private placement.

Ayon sa kompanya, 61% ang binagsak ng benta nito na umabot lamang sa P17.3 bilyon nung first semester ng taon, malayo sa P44.7 bilyon benta nito nung first semester ng 2019 kaya’t kailangang nitong kumilos para sa transformation at maiposisyon ang kompanya.

Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na handa itong tumulong sa airline industry ngunit konting pondo lamang ang mailalaan para sa airline industry at sa private banks pa rin sila umasa sa bulto ng kanilang pangangailangan.

“The government does not want to end up owning the airlines,” sabi ni Dominguez.

Bilyon bilyon na ang nalulugi sa mga airlines sa bansa dahil hindi sila nakabiyahe ng mahabang panahon. Bukod sa halos wala silang kinita nung sarado ang mga airport, bilyon bilyon na rin ang refunds na hinihingi ng mga pasahero. (Eileen Mencias)

The post CebuPac nganga sa ayuda, magbebenta ng shares first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *