CebuPac-Gokongwei paasa sa refund

Pikang- pika na ang mga pasahero ng Cebu Pacific ng mga Gokongwei na inabot na ng Bagong Taon sa paghihintay sa kanilang refund at wala pang makausap sa airlines para mag-follow-up.

The post CebuPac-Gokongwei paasa sa refund first appeared on Abante.

cebupac gokongwei paasa sa refund - CebuPac-Gokongwei paasa sa refund
CebuPac - CebuPac-Gokongwei paasa sa refund

Pikang- pika na ang mga pasahero ng Cebu Pacific ng mga Gokongwei na inabot na ng Bagong Taon sa paghihintay sa kanilang refund at wala pang makausap sa airlines para mag-follow-up.

Pinakamasaklap ang karanasan ng dalawang foreigners na Marso pa stranded sa Pilipinas dahil, bukod sa wala pa ang kanilang refund ay wala pa rin silang flights pauwi.

Reklamo ni John Mason sa official Facebook page ng Cebu Pacific, walang silbi ang sagot sa kanyang email ng Cebu Pacific dahil dinadala lang siya sa isang online feedback form na nagso-sorry sa pagkaantala ng pagbalik ng refund.

Dati ay sinasabihan siyang maghintay ng 3 hanggang 5 billing cycles na maaring ituring na katumbas ng 3 o 5 buwan, hindi na raw ito sinasabi kaya hulaan na lang niya kung kailan maibabalik ang kanyang pera.

Sabi ni Mason, siyam na buwan na siyang naghihintay ng refund.

“We had 4 international trips that had been fully booked and paid for. Aside from a hotel in Singapore that promises my refund will come through any day now, Cebu Pacific has been the worst and slowest service provider,” sabi ni Mason. “Your private message feature leads to a bot. A useless bot at that. I’m pretty sure you can search my name in your records for a flight from Manila to Tokyo back in March.”

Sabi naman ni Robert Blaylock sa parehong thread, “John Mason same mate. Never use them again am still owed 15K Peso from cancelled flights and still stranded in Philippines and from March this year.”

Ayon sa Cebu Pacific, humingi si Mason ng refund noong March 2020 para sa kanya at dalawa pang tao. Dahil sa travel agency ang ginamit niya, kailangan niyang i-check ang refund sa travel agency.

Dalawa naman ang booking ni Blaylock at naka-store na ang halaga nito sa CEB travel fund at mag-e-expire ang isa ‪sa April 10, 2021‬ at ang isa naman ay ‪sa April 26, 2022‬. Lagpas isang taon namang naghihintay sa refund sa Cebu Pacific si Romar Egualan.

“Dec 2019 ticket purchased,” sabi ni Egualan. “2021 na. Thick face CB. Refund pls.”

Dama naman ni Marvin Cabsag na nagsisinungaling sa kanya ang Cebu Pacific dahil nakatanggap siya ng email na nagsasabing nai-refund na siya pero hindi naman totoo. Aniya, sinabi sa kanya ng Cebu Pacific sa email na na-forward na sa kanyang bangko ang refund ngunit sinabihan siya ng kanyang bangko na wala itong natatanggap pang refund para sa kanya mula sa Cebu pacific.

“They told me to get back to you as no refund request has been lodged on their system as of this writing. What on earth is goin on you Cebu Pacific. The Refund request was done May of 2020 and up to now you haven’t given me back my money,” sabi ni Cabsag.

Tinanong ng Abante ang PR ng Cebu Pacific na si Resty Perez ngunit wala itong pahayag hanggang sa isinusulat ang balitang ito. (Eileen Mencias)

The post CebuPac-Gokongwei paasa sa refund first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *