CebuPac-Gokongwei nilayasan ng mga crew

NAGKAPATONG-PATONG na problema ang dahilan sa pagkansela ng Cebu Pacific (CebuPac) ng sandamakmak na flights na nagsimula pa nu’ng Sabado.

The post CebuPac-Gokongwei nilayasan ng mga crew appeared first on Abante News Online.

cebupac gokongwei nilayasan ng mga crew - CebuPac-Gokongwei nilayasan ng mga crew
abante CebuPac - CebuPac-Gokongwei nilayasan ng mga crew

NAGKAPATONG-PATONG na problema ang dahilan sa pagkansela ng Cebu Pacific (CebuPac) ng sandamakmak na flights na nagsimula pa nu’ng Sabado.

“It’s complicated,” sabi ni CebuPac spokesperson Charo Logarta Lagamon.

“It’s unfair to blame it on the cabin crew union kasi maaayos silang kausap. May mga kilala akong FAs na pumapasok kahit day off at makikita mo ‘yung malasakit.”

Dagdag pa niya, hindi nag-a-absent ang mga cabin crew na miyembro ng bagong tayong unyon sa CebuPac na Juan Wing Association of the Philippines na binubuo ng 1,129 miyembro.

Ayon kay Lagamon, hindi rin mga piloto ang hindi nagsipasok.

Ngunit sa ulat ng ABS-CBN, binanggit na maraming crew ang nag-resign sa trabaho dahil sa pagiging overworked.

“I could say na overworked talaga ang mga FA’s at pilots sa amin kaya dami din umaalis,” ayon sa source.

“Dito kasi, typical Filipino company na susulitin ‘yung bayad sa’yo. Basta may eight hours rest na sila, bibigyan na sila lipad,” dagdag ng staff na ayaw magpabanggit ng pangalan. ‘Yung iba pagod pa, ayaw lumipad pero sa regulation kasi eight o 12 hours na rest lang required.”

May dalawang linggo na ang nakaraan, nag-anunsiyo ang CebuPac na naghahanap ito ng mga bagong cabin crew. Nitong Pebrero, nagkaroon din ang kompanya ng programang study now, fly later plan para sa mga kukuhanin nitong mga bagong piloto.

Isa pa sa dumagdag sa problema ang tatlo o apat na eroplanong hindi makalipad dahil naghihintay ng piyesa.

“The past few weeks have really been a trial for us. With all the erratic flight schedules, unusual flight tandems, very long duty hours, immediate removal of RON ICN and NRT(in MNL), Crossover schedules on bases and to top it all we have faced challenging guests due to flight delays and cancellations; despite all of these, we have endured, persevered and showed our professionalism,” sabi ng Juan Wing Association of the Philippines sa isang statement.

Kasalukuyang may negosasyon ang CebuPac management at ang Juan Wing para sa collective bargaining agreement ng unyon.

Sinabi naman ng Philippine Airlines (PAL) na tutulong itong punan ang kakulangang dala ng CebuPac.

“We are ready and willing to work in concert with the government authorities, in particular the Department of Transportation, the airport authorities and the Civil Aeronautics Board, to provide support and relief to the traveling public during this peak travel summer season,” sabi ng PAL sa isang pahayag.

Kumasa naman ang Manila International Airport Authority sa alok ng PAL. (Eileen Mencias)

The post CebuPac-Gokongwei nilayasan ng mga crew appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *