CebuPac-Gokongwei kulelat sa serbisyo — DOTr

ANG Cebu Pacific ng mga Gokongwei ang may pinakamababang on-time performance (OTP) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ayon sa datos ng Department of Transportation (DOTr).

The post CebuPac-Gokongwei kulelat sa serbisyo — DOTr appeared first on Abante News Online.

cebupac gokongwei kulelat sa serbisyo dotr - CebuPac-Gokongwei kulelat sa serbisyo — DOTr
cebu 1 - CebuPac-Gokongwei kulelat sa serbisyo — DOTr

ANG Cebu Pacific ng mga Gokongwei ang may pinakamababang on-time performance (OTP) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ayon sa datos ng Department of Transportation (DOTr).

Sabi ng DoTr, araw-araw na nitong ilalat­hala ang OTP ng mga airline sa mga pangunahing paliparan sa bansa. Nakikita sa OTP kung gaano karami sa mga flight ng isang airline ang lumilipad sa oras na kanilang itinakda.
Kahapon inilabas ng DoTr ang OTP ng mga airline para sa Mayo 15, 2019, Miyerkoles. Ang OTP ay isa sa mga sukatan ng operational efficiency ng mga airline.

Ayon sa DoTr, sa 51 flight arrival ng Cebu Pacific na domestic sa NAIA, 52 ang delayed at siyam lang ang nasa oras para sa OTP na 15%. At, sa 121 departure flight nito sa NAIA, 51 ang delayed at 70 lang ang lumipad sa tamang oras para sa OTP na 58%.

Matatandaang hindi pinagmulta ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang Cebu Pacific nang ikansela nito ang 172 domestic flight nila sa bansa mula Abril 28 hanggang May 10 na nakaperwisyo ng libo-libong pasahero.

Ayon sa CAB, inaayos ng Cebu Pacific ang ope­rational efficiency nito kaya kinailangang kanselahin ang mga flight.

Para sa mga domestic airline sa NAIA, AirSwift naman ang may pinakamataas na OTP performance.

Sa anim na arrival flight ng AirSwift sa NAIA, isa lamang ang delayed para sa OTP na 83% at lahat ng anim na departure flight nito sa NAIA ay lumipad sa tamang oras para sa OTP na 100%.

Para sa mga international airline naman sa NAIA, Cathay Pacific ang may pinakamababang OTP mapa-departure man o arrival at Singapore Airlines ang may pinakamataas na OTP.

Sa NAIA, Cebu Pacific­ ang may pinakamababang OTP para sa mga domestic flight, mapa-departure man o arrival. Cathay Pacific naman ang may pinakamababang OTP para sa mga international flight mula NAIA noong Mayo 15.

Nangungulelat din ang Cebu Pacific sa OTP sa iba pang mga paliparan.
Sa Clark International­ Airport, pangalawa ang Cebu Pacific sa may pinakamababang OTP sa domestic at pangatlo sa pinakamababang OTP sa international flight noong Mayo 15.

Sa Mactan Cebu International Airport, kulelat ang OTP ng Cebu Pacific para sa mga international flight at pangalawa sa may pinakamababang OTP sa domestic flight noong Mayo 15. ­(Eileen Mencias)

The post CebuPac-Gokongwei kulelat sa serbisyo — DOTr appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *