Cebu mayor kakasuhan sa gig ni Bamboo

NAKITAAN ng probable cause ng Office of the Ombudsman para sampahan ng kasong graft si Dumanjug Mayor Efren Guntrano Gica ng Cebu dahil sa pagkuha ng serbisyo sa rakistang si Bamboo Mañalac para umawit sa piyesta ng kanilang bayan kahit walang bidding.

cebu mayor kakasuhan sa gig ni bamboo - Cebu mayor kakasuhan sa gig ni Bamboo
ABANTE Cebu - Cebu mayor kakasuhan sa gig ni Bamboo

NAKITAAN ng probable cause ng Office of the Ombudsman para sampahan ng kasong graft si Dumanjug Mayor Efren Guntrano Gica ng Cebu dahil sa pagkuha ng serbisyo sa rakistang si Bamboo Mañalac para umawit sa piyesta ng kanilang bayan kahit walang bidding.

Nilabag umano ni Gica ang Section 3(e) ng Republic Act No. 3019, kilala rin bilang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Nirekomenda ni Rheia Tibon, graft investigation and prosecution officer, ang pagsasampa ng kaso sa korte. Ang rekomendasyon ay inaprubahan naman ni Ombudsman Samuel Martires noong Hun­yo 13,2019.

Nag-ugat ang kaso sa reklamong inihain ni da­ting mayor Nelson Garcia noong Setyembre 2, 2016. Si Garcia ang alkalde ng Dumanjug mula Hun­yo 30,2013 at magtatapos sana ang termino nito noong Hunyo 30, 2016 pero sinuspinde ito kaya naupong acting mayor si Gica noong Marso 2015.

Inatasan umano ni Gica ang Bids and Awards Committee (BAC) ng munisipyo na magsagawa ng direct contracting alinsunod sa nilabas nitong memorandum 0916-01. Yumuko naman ang BAC sa order ni Gica.

Inatasan din umano ni Gica ang Local Finance Committee na ilabas ang P953,200 bilang kabayaran kay Bamboo bago ang performance date nito noong Oktubre 1, 2015. Labag umano sa Presidential Decree 1445 o State Auditing Code of the Philippines. (Prince Golez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *