Cebu cop nilikida

By Edwin Balasa PINAGBABARIL hanggang masawi ang isang pulis ng hindi pa tukoy na mga suspek na lulan ng motorsiklo kahapon nang umaga sa bayan ng Cordova, Cebu. Agad na binawian ng buhay ang biktima na nakilalang si P/Msgt. Deogenes Carillo, acting deputy chief of police ng Cordova Municipal Police Station, na nagtamo ng mga […]

The post Cebu cop nilikida appeared first on Abante News Online.

cebu cop nilikida - Cebu cop nilikida
baril 1 - Cebu cop nilikida

By Edwin Balasa

PINAGBABARIL hanggang masawi ang isang pulis ng hindi pa tukoy na mga suspek na lulan ng motorsiklo kahapon nang umaga sa bayan ng Cordova, Cebu.

Agad na binawian ng buhay ang biktima na nakilalang si P/Msgt. Deogenes Carillo, acting deputy chief of police ng Cordova Municipal Police Station, na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Ayon kay Police Lt. Col. Eleveo Marquez, hepe ng Cebu Provincial Investigation and Detective Management Branch, naganap ang insidente pasado alas-10:00 nang umaga sa kahabaan ng Brgy. Poblacion ng nabatid na bayan.

Sakay umano ng kanyang kotse ang biktima na pauwi sana ng kanilang bahay sa Brgy. Punta Engano sa Lapu-Lapu City at tinatahak ang nasabing kalsada, nang sabayan ito ng dalawang suspek na lulan ng motorsiklo at malapitang pagbabarilin.

Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang mga suspek patungo sa hindi mabatid na lugar.

Nabatid sa imbestigasyon na may lending business ang biktima at posible umanong may nakagalit ito. May mga ulat din na sangkot diumano ang pulis sa iligal na droga subalit patuloy pa rin itong biniberipika ng pulisya.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa ikalilinaw ng kaso.

The post Cebu cop nilikida appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *