CBCP official ligtas sa Egypt bus crash

MAAYOS na ang kalagayan ng isang opisyal ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na nasangkot sa isang bus accident habang nasa pilgrimage sa Mount Sinai, Egypt.

cbcp official ligtas sa egypt bus crash - CBCP official ligtas sa Egypt bus crash
cbcp1 - CBCP official ligtas sa Egypt bus crash

MAAYOS na ang kalagayan ng isang opisyal ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na nasangkot sa isang bus accident habang nasa pilgrimage sa Mount Sinai, Egypt.

Nabatid kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, si Father Marvin Mejia, na secretary general ng CBCP ay nakalabas na mula sa Sharm El Sheikh International Hospital.

Kabilang siya sa 23 katao na nasugatan sa aksidente sa bus habang papunta sa Israel border.

Nabatid sa ipinaabot na impormasyon ni Father Jan Limchua, na nagtatrabaho sa Apostolic Nunciature sa Cairo, Egypt,
ilang beses umano niyang nakausap si Mejia na kasalukuyan nang nagpapahinga sa isang hotel sa naturang bansa.

Ang grupo ay nasa pilgrimage at nagto-tour sa Egypt si Limchua nang maaksidente ang sinasakyan nilang bus noong Martes nang gabi, matapos nilang bisitahin ang Saint Catherine’s Monastery sa Mount Sinai.

Pinagkalooban rin naman ng kaukulang tulong ng Philippine Embassy sa Cairo si Mejia at ang iba pang Pinoy na kasama nito nang maganap ang aksidente. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *