Cayetano sinipa sa puwesto! Speaker Velasco ratsada agad

Pormal nang nailuklok bilang bagong speaker ng Kamara si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

The post Cayetano sinipa sa puwesto! Speaker Velasco ratsada agad first appeared on Abante.

cayetano sinipa sa puwesto speaker velasco ratsada agad - Cayetano sinipa sa puwesto! Speaker Velasco ratsada agad
abante velasco 2 - Cayetano sinipa sa puwesto! Speaker Velasco ratsada agad

Pormal nang nailuklok bilang bagong speaker ng Kamara si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Ito’y matapos ratipikahan sa plenaryo ng kapulungan ang pagkahalal sa kanya nitong Lunes sa isang isinagawang sesyon sa labas ng plenaryo.

Kabuuang 186 kongresista ang bumoto para ratipakahan ang paghalal kay Velasco bilang speaker.

Matapos maratipikahan ang pagkahalal kay Velasco ay naghain ng irrevocable resignation si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano matapos malamang nasipa na bilang speaker.

Sa talumpati ni Velasco ay muli nitong iginiit na itutuon ng kanya ang liderato ang interes at kapakanan ng taumbayan lalo ngayong panahon ng pandemya at hindi umano ito maaring masakripisyo dahil sa personal na kasakiman at ambisyong politikal ng iilan.

Samantala, kasunod ng pag- upo ni Velasco bilang bagong speaker ay nagpatupad agad ito ng ilang pagbabago sa committee chairmanship.

Isa rito si Presidential son at Davao City 1st District Rep Paolo Duterte na y hinalal bilang bagong chair of the House committee on accounts kapalit ni Cavite Rep.Bambol Tolentino.

Ang komite ang nangangasiwa ng internal budget ng kapulungan

Sa kaugnay na ulat ay pinagharap muli ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Velasco at Cayetano sa Malacanang kasunod ng pagpapalit ng liderato sa Kamara.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na pinagkasundo sila ng Presidente para maisulong ang mga mahahalagang panukalang batas na nais maipasa ng Duterte administration.

“President Rodrigo Duterte’s meeting with House Speaker Lord Allan Velasco and former Speaker Alan Peter Cayetano pushed through early afternoon of Tuesday, October 13. In the course of the meeting , the two representatives agreed to work together as one majority in order to ensure the timely passage of 2021 budget and other priority legislation of the Duterte administration,” ani Roque. (Eralyn Prado/Aileen Taliping)

The post Cayetano sinipa sa puwesto! Speaker Velasco ratsada agad first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *