Cayetano niluklok bilang House Speaker

Cayetano niluklok bilang House Speaker

Bilang pagsunod sa kagustuhan ni Pangulong Duterte, hinalal ng mga kongresista si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano bilang Speaker ng 18th Congress.

The post Cayetano niluklok bilang House Speaker appeared first on Abante News Online.

cayetano niluklok bilang house speaker - Cayetano niluklok bilang House Speaker
cayetano 9 - Cayetano niluklok bilang House Speaker

Pinakaba ni Pulong!

Bilang pagsunod sa kagustuhan ni Pangulong Duterte, hinalal ng mga kongresista si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano bilang Speaker ng 18th Congress.

Kabuuang 266 kongresista ang bumoto pabor kay Cayetano, habang 28 ang bumoto kay Manila Rep. Benny Abante at dalawa ang nag-abstain.

Marami sa mga bumoto kay Cayetano ay nagpaliwanag pa na kaya nila ibinoto ang kongresista ng Taguig ay dahil sa ito ang kagustuhan ni Pangulong Duterte.

Si Presidential son at Davao City Rep. Paolo ‘Pulong’ Duterte mismo ang nag-nominate kay Cayetano at sinegundahan naman nina Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang mosyon.

Ang dating karibal ni Cayetano na si Romualdez ay nahalal na Majority Leader. Si Velasco ang susunod na House Speaker pagkatapos ng 15 buwan, alinsunod sa term sharing agreement ng dalawa.

Kabilang naman sina Rep. Duterte, Cibac Party-list Rep. Eduardo “Bro. Eddie” Villanueva at dating Senador at ngayon ay Antique Rep. Loren Legarda sa sampung Deputy Speaker na tinalaga.

Iniluklok din bilang mga Deputy Speaker sina Rep. Ferdinand Hernandez (South Cotabato); Evelina Escudero (Sorsogon); Conrad Estrella III (Abono Party-list); Prospero ‘Butch’ Pichay (Surigao del Sur); Roberto Puno; (Antipolo City); Aurelio ‘Dong’ Gonzales (Pampanga); Johnny Pimentel (Surigao del Sur); at Luis Raymund Villafuerte (Camarines Sur).

Ibinigay naman kay Davao City 2nd district Rep. Isidro Ungab ang chairmanship ng House Committee on Appropriations at si Cavite Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang chairman ng Committee on Accounts.
Tahasan namang sinabi ni Rep. Duterte na tutol siya sa anumang term sharing agreement.

“I am against any terms-sharing agreement. If speaker resigns after 15 months, we have to elect a new speaker,” wika ni Duterte.

Pero nang hingan ng paliwanag, sinabi ng anak ng Pangulo na: “Sinabi ko lang yun para kakabahan si Congressman Lord.”

Nagpatawag pa ng breakfast meeting si Rep. Duterte sa mga kongresista kahapon nang umaga para kontrahin ang nominasyon ni Cayetano pero hindi rin sinipot bagkus ay dumalo sa miting ni Cayetano sa Nograles Hall na matatagpuan sa South Wing Annex building. (JC Cahinhinan)

The post Cayetano niluklok bilang House Speaker appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *