Cayetano may P500K pabaon sa mga cong

Magkakaroon ng hanggang P500,000 karagdagang pondo ang mga kongresista, oras na maaprubahan na ang resolusyon na itinutulak ng liderato ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

cayetano may p500k pabaon sa mga cong - Cayetano may P500K pabaon sa mga cong
ABANTE alan cayetano 1 - Cayetano may P500K pabaon sa mga cong

Magkakaroon ng hanggang P500,000 karagdagang pondo ang mga kongresista, oras na maaprubahan na ang resolusyon na itinutulak ng liderato ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

Inihain ni Cavite Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino, chairman ng house committee on accounts, ang Committee Resolution 137 upang mapahintulutan ang pagkakaloob ng karagdagang operational budget ng bawat mambabatas.

Hangad ng resolusyon na pagkalooban ang mga kongresista mula sa Luzon at mga party-list ng karagdagang budget na P468,670 kada taon.

May ibang mambabatas mula sa malalayong lugar sa Luzon at sa Visayas ang makakatanggap naman ng P480,688 habang ang mga kongresista mula sa Visayas ay bibigyan ng P500,000.

Ang karagdagang budget ay magagamit sa kanilang operational expenses tulad ng gastos sa transportasyon, supplies, utilities, courier service, subscription, communication at internet, repair at maintenance, representation at suweldo ng kanilang district staff at iba pang gastusin.

Ang resolusyon ay pirmado nina Cayetano, Tolentino, Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez, Minority Leader Benny Abante at appropriations committee chairman at Davao City Rep. Isidro Ungab. (JC Cahinhinan)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *