Cayetano kumahol sa Batasan

NAGTALUMPATI ng pagkahaba-haba kahapon si House Speaker Alan Peter Cayetano para atakehin ang dapat ay kapalit nito sa termino na si Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco.

The post Cayetano kumahol sa Batasan first appeared on Abante.

cayetano kumahol sa batasan - Cayetano kumahol sa Batasan
abante alan cayetano - Cayetano kumahol sa Batasan

NAGTALUMPATI ng pagkahaba-haba kahapon si House Speaker Alan Peter Cayetano para atakehin ang dapat ay kapalit nito sa termino na si Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco.

Ayon kay Buhay Partylist Lito Atienza, gumawa ng drama si Cayetano at sinunod ang script ng mga pinagmamalaking kaalyado.

“Nagtalumpati siya ng pagkahaba-haba para banatan si Velasco….gumawa sila ng drama hindi katanggap-tanggap ‘yan, huwag nilang babuyin ang Kongreso “giit ni Atienza.

Sinabi rin ni Atienza na 111 lamang ang present pero lumabas na 184 ang boto pabor para ibasura ang pagbibitiw ni Cayetano.

Sa isang panayam kay Atienza pinaliwanag nito na kaya siya bumoto ng yes para manatili si Cayetano bilang speaker dahil ayon sa napagkasunduan sa pakikipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes ng gabi ay sa Oktubre 14 pa ito kusang aalis sa puwesto pero bigla itong naghain ng resignation na taliwas sa napag-usapan.

Samantala sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na sa susunod na linggo pa tuluyang makakaupo bilang bagong House Speaker si Velasco.

Ito ang kanyang sinabi sa programang “Counterpoint” matapos ang pakikipagkita nina Velasco at Cayetano kay Pangulong Duterte sa Malacañang noong Martes ng gabi.

Sinabi ni Panelo na sa kabila ng hindi pagkakaintindihan ay matutuloy din ang napagkasunduang term sharing sa pagitan nina Cayetano at Velasco.

Dapat aniya ngayong Miyerkules ang huling araw ni Cayetano bilang House Speaker pero kinakailangan munang matapos ang deliberasyon sa panukalang 2021 national budget para maipasa ito sa takdang panahon.

“Supposed to be ngayong araw na ito si Lord Allan na ang Speaker pero dahil nga may deliberation sa budget para hindi na magambala yon, eh hanggang October 14 . Hopefully, by October 14 pagpasok ni incoming Speaker Lord Allan eh tapos na yung budget deliberation,” ani Panelo. (Eralyn Prado/Aileen Taliping)

The post Cayetano kumahol sa Batasan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *