Cayetano kapit-tuko

MAY posibilidad na mabulilyaso ang pag-upo ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bilang House Speaker sa Oktubre 2020 kung palalawigin ang termino ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano bilang pinuno ng Kamara.

cayetano kapit tuko - Cayetano kapit-tuko
Cayetano 1 - Cayetano kapit-tuko

MAY posibilidad na mabulilyaso ang pag-upo ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bilang House Speaker sa Oktubre 2020 kung palalawigin ang termino ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano bilang pinuno ng Kamara.

Ito ang usap-usapan sa Kamara kung magpapatuloy ang magandang peformance umano ni Cayetano sa pagtitimon ng liderato ng kapulungan.

Binanggit ni Dasmariñas City Rep. Elpidio Barzaga Jr. na kung magpapatuloy ang mataas na trust at approval rating ni Cayetano, baka ikampanya siya ng mga kongresista na manatili na lamang sa puwesto.

Ayon pa kay Barzaga, mahirap magpalit ng lider ng Kamara kung umaarangkada na ang magandang trabaho ng kapulungan. Mas makabubuti aniyang i-extend ang pag-upo nito bilang Speaker hanggang Hunyo 30, 2022.

Nagsalita din si 1-Pacman Party-list Rep. Mikee Romero na mahirap magpalit ng isang Speaker kung maganda ang performance nito.

Si Romero ang namumuno sa 54-miyembro ng Party-list Coalition habang si Barzaga ang lider ng National Unity Party (NUP).

Matatandaang pinagkasundo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tatlong naglalaban na Speaker noong Hulyo. Sa nasabing kasunduan, si Cayetano ang unang uupong Speaker at maninilbihan ng 15 buwan bago ilipat ang trono kay Velasco. Ang ikatlong kandidato na si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez ay tinalaga namang Majority Floor Leader.

Ilang beses nang kinuwestiyon ng ilang kongresista ang quorum sa mga sesyon gayung kulang naman ang aktuwal na bilang. Ayon mismo kay Buhay Party-list Rep. Lito Atienza, dinoktor ang qourum upang mapalabas na nagawa ni Cayetano na magkaroon ng “record high” sa attendance.

Pinalabas din na maagang inaprubahan ang 2020 proposed national budget upang maging pogi sa publiko si Cayetano.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *