Cayetano hanggang Dec ka lang – Duterte

Papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na manatili bilang House Speaker si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano hanggang Disyembre, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

The post Cayetano hanggang Dec ka lang – Duterte first appeared on Abante.

cayetano hanggang dec ka lang duterte - Cayetano hanggang Dec ka lang – Duterte
abante cayetano 2 - Cayetano hanggang Dec ka lang – Duterte

Papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na manatili bilang House Speaker si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano hanggang Disyembre, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ito ayon sa Malacañang ay para walang maging aberya sa pag-apruba sa panukalang national budget sa 2021.

Matatandaang si Duterte ang nagtakda ng term-sharing sa pagitan nina Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco nakaraang taon kung saan ay manunungkulan bilang Speaker si Cayetano mula July 2019 hanggang October 2020 na susundan ni Velasco hanggang 2022.

“Kung magkagulo naman po sana ay after the budget. Sa original agreement naman, si Speaker Cayetano should be there until October. But the President also in that same occasion told me na naiintindihan niya kung kinakailangang hanggang Disyembre siguro dahil nga doon sa issue ng budget,” paliwanag ni Roque sa panayam sa CNN Philippines.

“Kasi iyang budget na iyan, maski matapos po iyan na mapasa ng Mababang Kapulungan at napunta sa Kongreso, pagdating sa bicam diyan, puwedeng baguhin iyan ng mga bagong miyembro ng bicam representing the House which could further delay the budget,” dagdag ni Roque.

Gayunman, sinabi ni Roque na nakadepende pa rin sa mga mambabatas ang pagdedesisyon sa liderato ng Kamara.

“The President leaves to the members of the House to choose their leaders, acknowledging that there was a gentleman’s agreement between Congressmen Cayetano and Velasco which should be binding on both of them,” giit ng Palace spokesman.

“But whatever the decision of the members of the House would be, non-negotiable po na kinakailangang mapasa iyong budget on time because the budget contains 2.5 trillion of stimulus package which we badly [need] at the time of the Covid-19 pandemic,”dagdag nito. (Prince Golez)

The post Cayetano hanggang Dec ka lang – Duterte first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *