Cayetano desperado nanggiyera na

Matapos ibasura ng kanyang mga kaalyado ang inalok na pagbibitiw ni Speaker Alan Peter Cayetano ay sinibak naman nito ang isang tagasuporta ni Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco na may katungkulan bilang deputy speaker niya.

The post Cayetano desperado nanggiyera na first appeared on Abante.

cayetano desperado nanggiyera na - Cayetano desperado nanggiyera na
Cayetano - Cayetano desperado nanggiyera na

Matapos ibasura ng kanyang mga kaalyado ang inalok na pagbibitiw ni Speaker Alan Peter Cayetano ay sinibak naman nito ang isang tagasuporta ni Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco na may katungkulan bilang deputy speaker niya.

Tila nagdeklara na nga ng giyera sa Kamara si Cayetano matapos nitong sibakin bilang deputy speaker si 1-Pacman party-list Rep. Mikee Romero na isang kaalyado ni Velasco.

Pumalit kay Romero si Capiz Rep. Fred Castro.

Una rito ay hinamon ni Castro ang mga supporter ni Velasco na may hawak na posisyon sa Kamara na bumaba sa puwesto.

Bilang reaksyon, sinabi ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles na, “The removal of Deputy Speaker Mikee Romero is an affront against the Partylist Coalition. I shall withhold any further statements regarding this matter in deference to the Coalition.”

Para naman kay AAMBIS-OWA party-list Rep. Sharon Garin, na kilalang supporter din ni Velasco, “Removing Mikee as deputy speaker, who is our president, no less, is an affront to our coalition and an insult to everything we have worked for as a bloc.”

Si Romero ang Pangulo ng Party-list Coalition Foundation Inc. (PCFI) na may 52 miyembro.

May impormasyon din na kabilang si Garin sa sinibak ni Cayetano sa mga kaayado ni Velasco na may katungkulan sa Kamara.

The post Cayetano desperado nanggiyera na first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *