Cayetano butata sa P5.7M ng Serendra

Pinanigan ng Court of Tax Appeals (CTA) ang mga unit owner ng Serendra condominium na ibalik ng Taguig local government unit (LGU) ang sobrang naibayad sa tax.

The post Cayetano butata sa P5.7M ng Serendra first appeared on Abante.

cayetano butata sa p5 7m ng serendra - Cayetano butata sa P5.7M ng Serendra
abante lani cayetano - Cayetano butata sa P5.7M ng Serendra

Pinanigan ng Court of Tax Appeals (CTA) ang mga unit owner ng Serendra condominium na ibalik ng Taguig local government unit (LGU) ang sobrang naibayad sa tax.

Batay sa 42-page ruling noong Sept. 10 na inaprubahan ni Associate Justice Juanito C. Castañeda Jr., CTA’s Second Division, inaatasan ang Taguig City government na ibalik ang P5.7 million na pagkakamaling nakoleta sa Serendra Condominium Corp. (SCC), asosasyon ng mga unit owner ng Serendra.

Ito ay matapos na kuwestiyunin ng mga miyembro ng Serendra ang Taguig City government kung saan ay pinagbabayad sila bago pa man ang renewal ng kanilang permit to operate noong 2013.

Si Lani Cayetano ang mayor ng Taguig noong 2013.

Nagpalabas ng tax ang Taguig na nagsasabing may kaakibat na negosyo ang SCC base sa kinokolektang associate dues mula sa mga unit owners ng nakaraang taon na umabot na sa P43.01 million.

Maliban sa business taxes, pinatawan pa sila ng P2.69 million environmental impact fee at iginiit ng LGU na may karapatan silang kumolekta ng taxes base sa Local Government Code at Taguig Revenue Code. (Vick Aquino)

The post Cayetano butata sa P5.7M ng Serendra first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *