Catantan pinipirata ng US

‘DI pa man nagtatagal tapos tanghaling unang Pilipinong fencer na nakamedalyang ginto sa Asian Under-23 women’s individual foil, agad na kinukuha siya ng University of Pennsylvania upang maging scholar at maglaro para sa Estados Unidos.

catantan pinipirata ng us - Catantan pinipirata ng US
catanan - Catantan pinipirata ng US

‘DI pa man nagtatagal tapos tanghaling unang Pilipinong fencer na nakamedalyang ginto sa Asian Under-23 women’s individual foil, agad na kinukuha siya ng University of Pennsylvania upang maging scholar at maglaro para sa Estados Unidos.

Ito ang siniwalat ni Philippine Fencing Association head coach Rolando ‘Amatov’ Canlas habang kasama si Catantan sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum Martes sa Amelie Hotel-Manila sa Jorge Bocobo, Malate.

Sinabi ni Canlas na pinayagan niya at ibinigay ang lahat ng pagkakataon sa bihirang offer kay Catantan para mag-aral at maglaro sa unibersidad.
“Malaking achievement po iyun sa aming asosasyon kung kaya ko siya pinayagan,” ani Canlas. “Bakit ko po siya pipigilan eh mas makakaganda po iyon sa career niya.”

Uumaasa siyang mas mapapahusay ni Catantan ang kanyang talento sa pagsabak sa prestihiyosong US NCAA Division I.

“‘Di dahil nandoon siya eh iiwan na niya tayo. Magrerepresenta pa rin siya sa bansa natin at malaking tulong para sa Pilipinas iyon dahil mabubuksan ang door natin for more success and event sa Olympics,” panapos niya.

Ipinagpasalamat naman ni Ca­tantan ang mabigyan ng bihirang pagkakataon na makapag-aral at makapaglaro para sa isang prominenteng eskuwelahan sa Amerika.

“I am very happy po dahil sa another blessing for me,” wika niya. “Noong una po ay 50-50 ako kasi po at first, iniisip ko mahirap dahil bagong environment, but ayoko palampasin ang opportunity dahil once lang mangyayari at makakapgbukas po ng more opportunity hindi lamang po sa akin kundi sa family at sa team na rin po,” wakas niya. (Lito Oredo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *