Carnapper todas, 3 pa tiklo sa Maynila

Bumulagta ang isang miyembro ng carnapping group habang arestado ang tatlo pa niyang kasama matapos umanong manlaban sa pulisya sa Malate, Maynila Martes ng umaga.

The post Carnapper todas, 3 pa tiklo sa Maynila first appeared on Abante.

carnapper todas 3 pa tiklo sa maynila - Carnapper todas, 3 pa tiklo sa Maynila
abante carnap - Carnapper todas, 3 pa tiklo sa Maynila

Bumulagta ang isang miyembro ng carnapping group habang arestado ang tatlo pa niyang kasama matapos umanong manlaban sa pulisya sa Malate, Maynila Martes ng umaga.

Kinilala ang napatay na suspek na si Ali Asgar Baraguer, 32. Habang tiklo sina Tojamir Baraguer, 34, Grab driver; Aivan Gulam, 43, tricycle driver; at Somaira Dimalao, asawa ng napaslang na si Ali at pawang mga tubong-Cotabato City.

Naabutan umano ang apat na suspek sa isang hotel sa lungsod. Nagtago pa sa kisame ang isa sa kanila kaya inabot ng halos dalawang oras ang paghalughog ng mga pulos bago ito nasukol.

Narekober sa lugar ang isang Toyota Vios at isang Ford Raptor na kinarnap umano ng mga suspek, isang baril at hindi matukoy na halaga ng pera at personal na gamit ng mga suspek.(Juliet de Loza-Cudia)

The post Carnapper todas, 3 pa tiklo sa Maynila first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *