Cargo ship lumubog sa Georgia, 13 Pinoy nasagip

Cargo ship lumubog sa Georgia, 13 Pinoy nasagip

ISA pang tripulante ang pinaniniwalaang na-trap sa lumubog na M/V Golden Ray, isang higanteng barko na may kargang 4,000 sasakyan habang papaalis sa daungan ng Georgia coast.

cargo ship lumubog sa georgia 13 pinoy nasagip - Cargo ship lumubog sa Georgia, 13 Pinoy nasagip
georgia - Cargo ship lumubog sa Georgia, 13 Pinoy nasagip

ISA pang tripulante ang pinaniniwalaang na-trap sa lumubog na M/V Golden Ray, isang higanteng barko na may kargang 4,000 sasakyan habang papaalis sa daungan ng Georgia coast.

Maagap namang nasagip ang 13 Pinoy at 10 South Korean, at ship captain na nagmamando ng barko.

Nalaman na matapos ang pagsagip sa huling tatlong South Korean crew nabatid na may isa pang crew ang na-trap sa salamin ng engineering compartment.
Nalaman na papaalis sa Brunswick papuntang Baltimore nang tumagilid ang barko.

Nasagip ang 29 crew sa pamamagitan ng helicopter pero nanatiling may mga apoy at usok dahilan para mahirapan na pasukin ang loob ng barko.

Hindi pa matiyak kung Pilipino o Koreano ang isang na-trap na crew na pinaniniwalaang buhay pa. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *