Caretaker todas sa resbak ng kaaway

Kaagad na binawian ng buhay ang isang caretaker nang tambangan ito at pagbabarilin ng kanyang dating kaaway sa Malabon City, Linggo nang hapon.

caretaker todas sa resbak ng kaaway - Caretaker todas sa resbak ng kaaway
patay 3 - Caretaker todas sa resbak ng kaaway

Kaagad na binawian ng buhay ang isang caretaker nang tambangan ito at pagbabarilin ng kanyang dating kaaway sa Malabon City, Linggo nang hapon.

Kinilala ang biktima na si Enrique Aldejo, 43, caretaker ng pumping station, naninirahan sa Policarpio St., Barangay Tonsuya ng nasabing lungsod dahil sa tama ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa dibdib.
Kagaad namang pumuga ang suspek na si Louie Lacuesta, nasa hustong gulang, residente ng Pilapil St., Brgy. Tonsuya, Malabon City.

Sa ulat ng pulisya, galing umano sa inuman si Aldejo sa Perez St., Brgy. Tonsuya sa kanyang mga kaibigan.

Nang tamaan ng kalasingan, nagpasya na siyang magpaalam na sa kanyang mga kainuman dakong alas-singko nang hapon at naglakad lang ito.

Pagdating sa kahabaan ng Policarpio St., bigla siyang sinalubong ni Lacuesta at saka binaril pagkatapos ay tumakas na ang huli.

Nakita ng witness na si Leonarda ang pangyayari na ipinagbigay alam kaagad sa live-in partner ni Aldejo.

Nabatid na matagal nang may galit si Lacuesta sa biktima.
Nahaharap sa kasong murder ang suspek. (Orlan Linde)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *