Cardema sibak sa Duterte youth

CARDEMA SIBAK SA DUTERTE YOUTH

Tinanggal na ng Commission on Elections (Comelec) bilang first nominee ng Duterte Youth Party-list si dating National Youth Commissioner Ronald Cardema.

cardema sibak sa duterte youth - Cardema sibak sa Duterte youth
cardema 4 - Cardema sibak sa Duterte youth

Tinanggal na ng Commission on Elections (Comelec) bilang first nominee ng Duterte Youth Party-list si dating National Youth Commissioner Ronald Cardema.

Isiniwalat ni Atty. Emil Marañon III sa Twitter na inaprobahan na ng Comelec First ang kanyang petisyon laban kay Cardema dahil sa pagiging gurang na kinatawan ng youth partylist na dapat ay 30 anyos lamang ang limit pero 34 na ang dating NYC official.

Sa dalawang tweet ni Marañon, sinabi nitong kapwa bumoto pabor sa kanilang petisyon sina Commissioner Rowena Amelia Guanzon at Marlon Casquejo habang nasa official business naman si Commissioner Al Parreño.

“We are happy to announce that with the vote of 2-0, the Comelec First Division has granted our Petition seeking the cancellation of the nomination of Gian Carlo Cardema as the First Nominee of the Duterte Youth Party-List,” sabi sa tweet ni Marañon.

Matatandaan na noong Mayo 12, isang araw bago ang eleksyon, nag-resign ang limang nominee ng party-list dahil sa pagkatakot umano sa mga makakaliwang grupo at ipinasok ang pangalan ni Cardema bilang first nominee.

Subalit binaha siya ng reklamo at petisyon para sa disqualification. Sa mga nakaraang pagdinig, inamin mismo ng abogado ni Cardema na overaged na ito at hindi rin professional.

Sa kabila ng nakabinbin na petisyon sa Comelec, dumalo pa sa mga pagpupulong ng Party-list Coalition Foundation si Cardema at sa State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Wala pang opisyal na pahayag ang Comelec pero sa tweet ni Commissioner Rowena Guanzon, binanggit nitong “Our Resolution on the case of Cardema will be promulgated this week. I am going out of town.”

Pero sa kasunod na tweet, binanggit ni Guanzon na ipopost niya ang concurring opinion pero tinatapos lamang niya ang libreng pagpa-facial.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *