Capiz ex-mayor kalaboso sa pagpapaputok

Sinugod sa ospital makaraang arestuhin si dating President Ro­xas, Capiz Mayor Ramon Locsin dahil sa diumano’y pagpapapu­tok nito ng baril sa loo­b ng government office sa Barangay Cabugcabug.

capiz ex mayor kalaboso sa pagpapaputok - Capiz ex-mayor kalaboso sa pagpapaputok
gun shot - Capiz ex-mayor kalaboso sa pagpapaputok

Sinugod sa ospital makaraang arestuhin si dating President Ro­xas, Capiz Mayor Ramon Locsin dahil sa diumano’y pagpapapu­tok nito ng baril sa loo­b ng government office sa Barangay Cabugcabug.

Dinala ang dating politiko sa Bailan District Hospital sa ba­yan ng Panitan nang tumaas umano ang blood pressure nito pero inilipat din sa pribadong ospital.

Ayon kay Capiz Police Provincial Office Director Colonel Canilo Fuentes, sinampahan ng kasong alarm and scandal, illegal discharge at possession of firearms si Locsin.

Ginamit umano ni Locsin ang Resource Livelihood Center na malapit sa kanyang bahay para maging firing range.

Ipinaalam umano ng isang residente sa pulis­ya ang insidente makaraang makarinig ng putok ng baril sa lugar.

“Nag respondi ‘yung PMFC natin doon at caught in the act talaga na si Don Ramon Locsin ay nagpapaputok ng baril,” ani Fuentes.

Nakuha kay Locsin ang dalawang kalibre .40 pistol na may mga bala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *