CAP pumalag sa ‘Amatz’ ban PDEA walang alam sa music — artist group

PINALAGAN ng Concerned Artists of the Philippines (CAP) kahilingan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Movi­e and Television Review and Classification Board (MTRCB) na i-ban ang awiting ‘Amat­z’ ng rapper na si Shanti Dope dahil hinihimok umano nito ang paggamit ng droga katulad ng marijuana at shabu. Sa pahayag ng CAP na inilabas sa kanilang Facebook page, binigyang-diin ng grupo na hindi trabaho ng PDEA ang maging kritiko ng musika at […]

The post CAP pumalag sa ‘Amatz’ ban PDEA walang alam sa music — artist group appeared first on Abante News Online.

cap pumalag sa amatz ban pdea walang alam sa music artist group - CAP pumalag sa ‘Amatz’ ban PDEA walang alam sa music — artist group
shanti dope - CAP pumalag sa ‘Amatz’ ban PDEA walang alam sa music — artist group

PINALAGAN ng Concerned Artists of the Philippines (CAP) kahilingan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Movi­e and Television Review and Classification Board (MTRCB) na i-ban ang awiting ‘Amat­z’ ng rapper na si Shanti Dope dahil hinihimok umano nito ang paggamit ng droga katulad ng marijuana at shabu.

Sa pahayag ng CAP na inilabas sa kanilang Facebook page, binigyang-diin ng grupo na hindi trabaho ng PDEA ang maging kritiko ng musika at wala rin sa mandato nito na isulong ang censorship at pagpigil sa artistic expression.

“We warn the PDEA: Leave the cultural commentary to the musicians, the fans, and the public at large,” ayon sa CAP.

Ang dapat umano ay mag-focus na lamang ang PDEA sa mandato nito na ipakulong ang malalaking drug lord na malayang nakakagalaw sa bansa.

“Why is the agency wasting the taxpayer’s money picking on a rap song, instead of reeling in the big fish?” paha­yag ng CAP.

Sinabi ng grupo na maaaring may matutunan pa nga ang PDEA sa rap song ni Shanti Dope.

Bukas umano sa anumang interpretasyon ang ‘Amatz’ na ang umpisa ng kanta ay tungkol sa paggamit ng droga: “Amat, dapat ka nga ba dinadama?/Dapat ka nga ba minamata?”

“Within the span of the song, it raises a debate of synthetic drugs vs natural drugs, or should one even do drugs at all?” ayon pa sa CAP.

Pinapahiwatig din uamno sa unang bahagi ng rap song kung papaanong ang musika ay makakatulong para mailayo sa drug addiction ang kabataan.

“Hands off our music! Police the drug lords, not our musicians! Defend artistic freedom,” pahayag pa ng CAP.

Pupulungin ng MRTRCB

Naglabas na rin ng pahayag ang tanggapan ni MTRCB chairperson Maria Rachel Arenas hinggil sa nasabing isyu.

Inihayag nito na bibigyan nila ng due process ang kahi­lingan ng PDEA sa pamamagitan ng pagpapatawag ng pulong sa mga apektadong partido, partikular ang PDEA, ABS-CBN at Universal Records para malaman ang kani-kanyang posisyon hinggil sa isyu ng naturang rap song.

Ayon sa MRTC, kinikilala nila ang polisiya ng gobyerno na protektahan ang kabataan laban sa hindi tamang impluwensiya pero kailangan din maipatupad ang karapatan na ito ng balanse sa freedom of speech o expression.

The post CAP pumalag sa ‘Amatz’ ban PDEA walang alam sa music — artist group appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *