Canvassing ng party-list race pinatitigil

Naghain ng urgent motion ang apat na party-list group nitong Biyernes sa Commission on Elections (Comelec) en banc na umuupo bilang National Board of Canvassers, na magpasilip sa automated election system gene­rated o related data ng halalan noong Mayo 13.

The post Canvassing ng party-list race pinatitigil appeared first on Abante News Online.

canvassing ng party list race pinatitigil - Canvassing ng party-list race pinatitigil
abante vcm - Canvassing ng party-list race pinatitigil

Naghain ng urgent motion ang apat na party-list group nitong Biyernes sa Commission on Elections (Comelec) en banc na umuupo bilang National Board of Canvassers, na magpasilip sa automated election system gene­rated o related data ng halalan noong Mayo 13.

Sa kanilang joint manifestation and urgent motion, hiniling ng party-list group Append, Partido Lakas ng Masa, Murang Kuryente at Ang Nars, sa poll body na buksan ang logs ng transparency server upang mabura ang mga hinala sa pitong oras na technical glitch noong Lunes ng gabi.

Humirit din ang grupo sa Comelec na isuspinde ang canvas­sing ng boto ng mga party-list hangga’t hindi pa nareresolba ang kanilang mosyon.

Kabilang sa kanilang hinihiling ay ang system at audit logs ng mga vote counting machines, internet protocol address; mobile number ng SIM cards at kanilang deployment; VCM at Consolidation Canvassing System
configuration files; electronic copies ng election returns at certificate of canvass, statement of votes; access sa Voter Verified Paper Audit trail; single line data transmission diagram at inventory ng VCM at CCS servers.

“Movants plead with the Honorable Commission to help us show to our constituents — and the general public — that the elections were conducted fair and square, by allowing us our constitutionally protected right of access,” ayon sa mosyon. (JC Cahinhinan)

The post Canvassing ng party-list race pinatitigil appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *