Canada health officer: Mask isuot sa pakikipagtalik

Hindi lang sa labas ng bahay dapat isuot ang face mask, kundi pati habang nakikipag-sex.

The post Canada health officer: Mask isuot sa pakikipagtalik first appeared on Abante.

canada health officer mask isuot sa pakikipagtalik - Canada health officer: Mask isuot sa pakikipagtalik
abante face mask - Canada health officer: Mask isuot sa pakikipagtalik

Hindi lang sa labas ng bahay dapat isuot ang face mask, kundi pati habang nakikipag-sex.

Ayon kay Canada health officer Dr. Theresa Tam, isang paraan para masiguradong ligtas sa COVID-19 ay ang pagsusuot ng mask kahit sa romansa lalo na para sa mga may partner na mataas ang tsansa na mahawa ng virus.

“Sex can be complicated in the time of COVID-19, especially for those without an intimate partner in their household or whose sexual partner is at higher risk for COVID-19,” saad ni Tam.

Ilan pa sa mga mungkahi ni Tam na iwasan sa pakikipagtalik ay ang pag-inom ng alak dahil marami umanong nagagawang ‘unsafe decision’ kapag lasing, pati na rin ang halikan.

“However, even if the people involved do not have symptoms, sexual activity with new partners does increase your risk of getting or passing COVID-19 through close contact, like kissing,” aniya pa.

Sa Canada, 129,425 na ang nagpositibo sa COVID-19, kung saan 88.5% ang gumaling na sa virus.

The post Canada health officer: Mask isuot sa pakikipagtalik first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *