Camp Crame, Aguinaldo ibenta na lang kesa bagong buwis

TUTOL si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa anumang hakbang na pagpataw ng bagong buwis dahil dagdag pahirap lang ito sa taumbayan na naghihikahos sa gitna ng pandemya.

The post Camp Crame, Aguinaldo ibenta na lang kesa bagong buwis first appeared on Abante.

camp crame aguinaldo ibenta na lang kesa bagong buwis - Camp Crame, Aguinaldo ibenta na lang kesa bagong buwis
abante crame afp - Camp Crame, Aguinaldo ibenta na lang kesa bagong buwis

TUTOL si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa anumang hakbang na pagpataw ng bagong buwis dahil dagdag pahirap lang ito sa taumbayan na naghihikahos sa gitna ng pandemya.

“We will oppose it. We are still grappling with the impact of the pandemic today and we do not see our country to begin recovery until the third quarter of 2021 for them to talk about raising and imposing new taxes by next year,” pahayag ni Drilon sa isang statement.

Ayon sa senador, ang pagtaas o pagpataw ng bagong buwis sa susunod na taon ay “counterproductive.”

Ipinunto ni Drilon na may 90,000 pang mga negosyo ang nakasara kung saan karamiha dito ay micro, small, and medium enterprises (MSMEs).

“[Some] 7.3 million Filipinos who lost jobs to the pandemic, and [7.6] million families who are hungry,” ani Drilon.

Sa pagdinig sa Senado nagdaang linggo ay sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na sisimulan nilang maghanap ng dagdag kita sa huling bahagi ng 2021 o sa 2022 para mabayaran ang mga utang na epekto ng pandemya.

Ang foreign borrowing ng Pilipinas dahil sa COVID ay nasa $9.9 bilyon, ani Drilon.

Muling iginiit ng senador na maaring makalikom ang gobyerno ng pera para bayaran ang lumalaking utang sa pamamagitan ng pagbenta ng public assets tulad ng Camp Aguinaldo at Camp Crame.

Nauna na nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may posibilidad na magbenta ng property ang gobyerno bilang huling paraan para makalikom ng pondo para labanan ang pandemya.

Ang pagsasapribado din niya ng gaming industry ay maaring makalikom ng bilyong piso. Kung isasapribado aniya ang industriyang ito ay maaring kumita ang gobyerno ng dagdag P300 bilyon kada taon. (Dindo Matining)

The post Camp Crame, Aguinaldo ibenta na lang kesa bagong buwis first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *