Camille Villar tumangging House leader

Inayawan ni Las Piñas Rep. Camille Villar, anak ni Senator Cynthia Villar ang pagtalaga sa kanya ng liderato ng Kamara bilang Deputy speaker bilang kapalit ni Rep. Raneo Abu.

The post Camille Villar tumangging House leader first appeared on Abante.

camille villar tumangging house leader - Camille Villar tumangging House leader
abante villar 4 - Camille Villar tumangging House leader

Inayawan ni Las Piñas Rep. Camille Villar, anak ni Senator Cynthia Villar ang pagtalaga sa kanya ng liderato ng Kamara bilang Deputy speaker bilang kapalit ni Rep. Raneo Abu.

Ang pagtalaga kay Villar ay bahagi ng nagaganap na rigodon sa Kamara matapos ang pag-upo ni House Speaker Lord Allan Velasco.

Ipinaabot ni Villar ang pagtanggi sa posisyon sa isang sulat na ipinadala nito Velasco.

“I would like to express my sincere appreciation for the honor and opportunity offered me. Allow me, however, to humbly decline the nomination and designation as Deputy Speaker,” ayon sa sulat.

Bahagi pa ng sulat, “It is an opportune time to work with my fellow congressmen and the leaders of the House of Representatives on policy measures that would give personal and economic relief to our kababayans amid the past disasters and the pandemic.”

Apektado pa rin sa rigodon sina Reps. Fredenil Castro at Dan Fernandez na inalis na bilang Deputy Speaker at italaga sina Reps. Rufus Rodriguez at Lito Atienza habang si Rep. Ron Salo ay pinalitan ni Rep. Dale Malapitan bilang head ng House contingent sa House electoral. (Eralyn Prado)

The post Camille Villar tumangging House leader first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *