Call center agent pisak sa truck

Kalunos-LUNOS na kamatayan ang sinapit ng isang babaeng call center agent nang masagasaan ng ten wheeler truck habang kakasakay pa lamang sa kanyang motorsiklo sa national highway, Sta. Rosa, Laguna Lunes nang mada­ling-araw.

call center agent pisak sa truck - Call center agent pisak sa truck
10wheeler truck - Call center agent pisak sa truck

Kalunos-LUNOS na kamatayan ang sinapit ng isang babaeng call center agent nang masagasaan ng ten wheeler truck habang kakasakay pa lamang sa kanyang motorsiklo sa national highway, Sta. Rosa, Laguna Lunes nang mada­ling-araw.

Ayon sa Sta. Rosa Police, agad nasawi ang biktimang si Clarissa Camille Canayon, 31-an­yos, residente ng Katapatan Village, Cabuyao City nang magtamo ng pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kagagaling lang umano ng biktima mula sa pag-iinuman sa isang bar sa Altissima Business Center na nasa Barangay Macabling nang mangyari ang insidente alas-dos nang mada­ling-araw.

Pagkababa umano ng dalaga mula sa 4th floor ng gusali ay sumakay ito sa kanyang motorsiklo para umuwi at agad pinaharurot sa pababang rampa ng parking lot.

Subalit nahagip ito ng tractor head ng paparating na trailer truck kaya tumumba ang motorsiklo.

Direkta pa itong nagulungan ng trailer ng truck na siyang agad nitong ikinasawi.

Tumakas naman ang driver ng truck na si Roque Villanueva Jr. matapos ang pangyayari na inabandona ang kanyang minamaneho at iniwan ang pahinante.

(Ronilo Dagos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *