Call center agent buking sa pagwawaldas ng P1.8M kita ng kompanya

KULUNGAN ang bagsak ng isang Myanmar national matapos mabuking­ sa pagnanakaw at pagwawaldas ng kita ng pinagtatrabahuang call center company na kung saan inubos umano nito sa KTV bar ang halagang umaabot sa P1,875,000.00 sa Mandaluyong City.

The post Call center agent buking sa pagwawaldas ng P1.8M kita ng kompanya appeared first on Abante News Online.

call center agent buking sa pagwawaldas ng p1 8m kita ng kompanya - Call center agent buking sa pagwawaldas ng P1.8M kita ng kompanya
abante callcenter - Call center agent buking sa pagwawaldas ng P1.8M kita ng kompanya

KULUNGAN ang bagsak ng isang Myanmar national matapos mabuking­ sa pagnanakaw at pagwawaldas ng kita ng pinagtatrabahuang call center company na kung saan inubos umano nito sa KTV bar ang halagang umaabot sa P1,875,000.00 sa Mandaluyong City.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ni PB/Gen. Christopher Tambungan, Eastern Police District (EPD) District Director, nakilala ang suspek na si Zaw Htet Aung, 20-anyos, call center provider ng Global­ Link Company, Bldg. Shaw Blvd, Brgy. Wack-wack Mandaluyong City.

Inaresto si Aung matapos ireklamo ni Philip Chua y Benidicto Jr., interpreter at residente ng Global Link Company Bldg. Shaw Blvd, Brgy. Wack-wack, matapos na mabuking ang pagnanakaw at pagwawaldas ng pera ng suspek.

Ayon kay P/Col. Moises Villacera, hepe ng Mandaluyong Police, inaresto ang suspek bandang alas-singko Biyernes nang hapon habang papasok na sa trabaho ang suspek sa Global Link Company.

Nabatid na pinagkakatiwalaang customer service provider si Aung na kung saan siya ang nakatoka sa pangongolekta ng pera mula sa mga kapartner ng kompanya sa mga bansa sa Asya sa pamamagitan ng online gaming na negosyo.

Hindi umano inaakala ng pamunuan ng Global Link Co. na aabusuhin ni Aung ang tiwalang ibi­nigay sa kanya ng kompanya na kung saan ay napag-alaman na ginastos ng suspek ang pera sa isang high-class KTV bar na lingid sa kanyang kaalaman na mino-minotor na ang kanyang mga kahina-hinalang kilos hanggang sa magpositibo na sila at doon na ipinahuli at sinampahan ng reklamo.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Mandaluyong detention cell habang hinihintay ang pagdinig sa kakaharaping kaso. (Vick Aquino)

The post Call center agent buking sa pagwawaldas ng P1.8M kita ng kompanya appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *