California niyanig ng magnitude 7.1 na lindol

NIYANIG ng 7.1 magnitude na lindol ang Southern California nitong Biyernes nang gabi.

The post California niyanig ng magnitude 7.1 na lindol appeared first on Abante News Online.

california niyanig ng magnitude 7 1 na lindol - California niyanig ng magnitude 7.1 na lindol
abante lindol 1 - California niyanig ng magnitude 7.1 na lindol

NIYANIG ng 7.1 magnitude na lindol ang Southern California nitong Biyernes nang gabi.

Ang lindol ay may lalim na 0.9 kilometro at ang epicenter ay malapit sa county ng Ridgecrest, 240 kilometro ang layo mula sa Los Angeles.

Nitong Huwebes, inuga ng 6.4 magnitude lindol ang Ridgecrest pero may lalim itong 11 kilometro. Nagdulot ito ng 1,400 aftershock.

Maraming kabahayan ang nasunog dahil sa malakas na lindol. Agad namang pinakilos ang emergency operations center.

Nakatanggap naman ng ulat ang San Bernardino County Fire Department na maraming nasirang kabahayan at gusali sa bahagi ng hilagang kanluran ng Ridgecrest

Maraming bahay ang tumagilid at nagkaroon ng bitak sa pader o dingding.
Tambak ang fault sa California, pinakamalaki ay ang San Andreas fault, kaya’t madalas ang paglindol dito.

The post California niyanig ng magnitude 7.1 na lindol appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *