California inuga ng 6.4 na lindol

California inuga ng 6.4 na lindol

IDINUYAN ang Southern­ California ng magnitude 6.4 lindol na naramdaman sa mga komunidad mula sa Las Vegas hanggang Long Beach.

The post California inuga ng 6.4 na lindol appeared first on Abante News Online.

california inuga ng 6 4 na lindol - California inuga ng 6.4 na lindol
califoria - California inuga ng 6.4 na lindol

IDINUYAN ang Southern­ California ng magnitude 6.4 lindol na naramdaman sa mga komunidad mula sa Las Vegas hanggang Long Beach.

Natunton ang sentro ng lindol sa 125 milya ng hilagang silangan ng Los Angeles, sa liblib na lugar ng Searles Valley malapit sa Inyo, San Bernardino, at Kern County.

Dakong alas-10:33 ng umaga nang maganap ang lindol na naramdaman din sa Ensenada at Mexicali sa Mexico, Las Vegas, Phoenix, Reno at Chico, California.

Patuloy naman na nag-iikot ang mga emergency team sa paligid ng Ridgecrest City para malaman ang naging epekto ng lindol.

Nabatid na ang pagyanig ay naramdaman ng may 15 milyong katao.

Huli umanong nakaranas ng ganito kalakas na lindol sa Southern California noong 1999 kung saan umabot sa magnitude 7.1 ang tumama sa lugar. (Juliet de Loza-Cudia)

The post California inuga ng 6.4 na lindol appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *