California bumilib sa Pinay teacher

Binigyang-pugay ng isang public school sa California ang isang dugong Pinay na si Flora Arca Mata.

The post California bumilib sa Pinay teacher first appeared on Abante.

california bumilib sa pinay teacher - California bumilib sa Pinay teacher
abante flora - California bumilib sa Pinay teacher

Binigyang-pugay ng isang public school sa California ang isang dugong Pinay na si Flora Arca Mata.

Ito’y matapos na pangalanan ang naturang eskuwelahan na Flora Arca Mata Elementary School, na kasalukuyang may 420 estudyante sa pamamagitan ng distance learning.

Si Mata ay ang kauna-unahang Fil-American na nakatapos sa University of California, Los Angeles (UCLA), matapos nito ay nagsilbi bilang guro sa loob ng tatlong dekada sa Stockton Unified School District.

Hindi naging madali ang pinagdaanan ni Flora bago naging guro, kung saan nilahad ng kanyang apo na si Aaron na nakaranas siya ng diskriminasyon mula sa dean na kinuwestiyon ang kakayahan nitong magturo dahil sa dugong Pinoy nito.

Ang bagong public school na pinangalan kay Flora ay tinayo sa siyudad na dating may pinakamalaking Filipino community, at may isang bayan pang tinawag na ‘Little Manila’ kung saan nanirahan ang pamilya Mata matapos mag-migrate mula Hawaii.

The post California bumilib sa Pinay teacher first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *