Cabinet member iniwasan sa ubo

INIWASAN daw ng mga opisyal ng gobyerno ang isang Cabinet member dahil sa talamak nitong pag-ubo.

cabinet member iniwasan sa ubo - Cabinet member iniwasan sa ubo
kartada11 8 - Cabinet member iniwasan sa ubo

INIWASAN daw ng mga opisyal ng gobyerno ang isang Cabinet member dahil sa talamak nitong pag-ubo.

Sa nakuhang info ni Mang Teban, naganap daw ito sa isinagawang Cabinet meeting kamakailan.

Kahit malusog ang pangangatawan, tinablan pa rin ito ng sakit matapos na magkaubo.

Dahil kailangan ang kanyang presensiya sa miting, pinilit itong dumalo pero habang nagdidiskusyon ang mga opisyal ay panay naman ang ubo ni secretary.

Alangan namang maglagay ng face mask ang mga opisyal dahil siguradong hindi sila magkaka­rinigan kapag ginawa nila ito.

Dumistansiya na lamang ang mga opisyal sa inuubong secretary upang hindi sila mahawa sa dala nitong virus.

Pintahan niyo na. Ang Cabinet member na iniwasan dahil sa kanyang pag-ubo ay kila­lang bigatin at may letrang M sa kanyang pangalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *