CA Justice Rosario bagong mahistrado ng SC

Hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte si Court of Appeals (CA) Justice Ricardo Rosario bilang mahistrado ng Supreme Court (SC).

The post CA Justice Rosario bagong mahistrado ng SC first appeared on Abante.

ca justice rosario bagong mahistrado ng sc - CA Justice Rosario bagong mahistrado ng SC
abante rosario - CA Justice Rosario bagong mahistrado ng SC

Hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte si Court of Appeals (CA) Justice Ricardo Rosario bilang mahistrado ng Supreme Court (SC).

Nilagdaan ng Pangulo ang appointment ni Rosario noong Huwebes at inanunsyo ito sa publiko nitong Biyernes.

Si Rosario ang kapalit ni Associate Justice Jose Reyes Jr. na nagretiro matapos umabot sa edad na 70 noong Setyembre 18.

Si Rosario, 62-anyos, ay dating Quezon City prosecutor at naging hukom sa Manila Metropolitan Trial Court at Makati Regional Trial Court.

Nagtapos siya sa Ateneo Law School noong 1983 miyembro ng Aquila Legis fraternity. Nagtapos siya ng kursong Political Science sa Far Eastern University noong 1979.

Anak siya ng isang abogado at isang policewoman. Maybahay ni Rosario si Bureau of Internal Revenue (BIR) Makati regional director Maridur Rosario at may tatlo silang anak.(Prince Golez/PNA)

The post CA Justice Rosario bagong mahistrado ng SC first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *