Buy-bust sa Marikina: 2 timbog

ARESTADO ang dalawang­ lalaki kabilang ang isang menor de edad matapos ang ikinasang buy-bust operation kamakalawa nang gabi sa Brgy. Tumana, Marikina City.

The post Buy-bust sa Marikina: 2 timbog appeared first on Abante News Online.

buy bust sa marikina 2 timbog - Buy-bust sa Marikina: 2 timbog
Abante Huli1 - Buy-bust sa Marikina: 2 timbog

ARESTADO ang dalawang­ lalaki kabilang ang isang menor de edad matapos ang ikinasang buy-bust operation kamakalawa nang gabi sa Brgy. Tumana, Marikina City.

Ayon kay PCol. Redrico Maranan, hepe ng Marikina Police, inaresto sina Johair Songgod, 23-anyos at isang hindi na pinangalanang 16-anyos, kapwa residente ng Brgy. Tumana, matapos ang isina­gawang buy-bust operation sa Block 53, Brgy. Tumana, bandang alas-11:00 Biyernes nang gabi.

Nakatanggap ng tip ang mga tauhan ng Marikina City Police Station Drug Enforcement Unit kaugnay sa bentahan­ ng shabu ng mga suspek matapos makipagtransaskyon sa isang pulis na umaktong buyer.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang limang sachet na naglalaman ng shabu at P500 na ginamit bilang buy-bust money. Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Marikina PNP detention cell at kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Vick Aquino)

The post Buy-bust sa Marikina: 2 timbog appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *