Buy-bust sa mall, lalaki timbog

Arestado ang isang 45-anyos na lalaki matapos makipagtransaksiyon sa isang tauhan ng station drug enforcement unit (SDEU) para magbenta ng shabu sa loob ng isang mall sa Mandaluyong City, kamakalawa nang hapon.

The post Buy-bust sa mall, lalaki timbog appeared first on Abante News Online.

buy bust sa mall lalaki timbog - Buy-bust sa mall, lalaki timbog
ABANTE timbog checkpoint - Buy-bust sa mall, lalaki timbog

BY Vick Aquino

Arestado ang isang 45-anyos na lalaki matapos makipagtransaksiyon sa isang tauhan ng station drug enforcement unit (SDEU) para magbenta ng shabu sa loob ng isang mall sa Mandaluyong City, kamakalawa nang hapon.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang suspek na si Pierre Nazario y Bautista, alyas Perry, residente ng Mandaluyong City na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o illegal drugs act.

Ayon sa report, isang pulis­ ang umaktong buyer at nakipag­transaksiyon sa suspek na kung saan ay nakipagkasundo ang suspek na magkita sa isang mall malapit sa skating rink, bandang alas-singko Biyernes nang hapon.

Nang iaabot na ang droga ay agad na dinakma ang suspek at nakuha sa kanya ang anim na plastic sachet na nag­lalaman ng shabu at P1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Mandaluyong detention cell habang hinihintay pa ang pagdinig sa kinakaharap na kaso.

The post Buy-bust sa mall, lalaki timbog appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *