Buwisan ang kasalanan ng mga senador, congressman — Lacson

KUNG maaari lang buwisan ang kasalanan ng mga senador at congressman, makakalikom ang gobyerno ng tinatayang P3.7 trilyon, ayon kay Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson.

The post Buwisan ang kasalanan ng mga senador, congressman — Lacson appeared first on Abante News Online.

buwisan ang kasalanan ng mga senador congressman lacson - Buwisan ang kasalanan ng mga senador, congressman — Lacson
2019 Abante Ping Lacson - Buwisan ang kasalanan ng mga senador, congressman — Lacson

KUNG maaari lang buwisan ang kasalanan ng mga senador at congressman, makakalikom ang gobyerno ng tinatayang P3.7 trilyon, ayon kay Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson.

“Sin Tax: If only we can tax all the sins of congressmen and senators, we can collect more than enough to cover the entire national budget,” saad ni Lacson sa kanyang Twitter.

Umaabot sa P3.7 trilyon ang kabuuang budget ng pamahalaan ngayong 2019.
Ginawa ni Lacson ang komento sa gitna ng deliberasyon ng Senado sa panukalang itaas ang sin tax sa tobacco products na sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang pondong malilikom sa sin tax bill ang gagamitin sa implementasyon ng Universal Health Care law.

Target ng Senado na ihabol ang pagpasa sa panukala bago mag-adjourn ang 17th Congress sa Hunyo 7.

“‘Di ba may sin tax kaming dine-deliberate? Sabi ko okay ‘yan kasi health measure naman ‘yan sa UHC (universal health care),” pahayag pa ni Lacson sa panayam naman sa isang programa sa radyo.

“Baka puwede tingnan natin ang tax base ang leakages kasi (ang) leakages na nagmula sa corruption o incompetence o inefficiency (ang) mas malaki…” dagdag nito.

Bagama’t bukas ang senador sa panukala, iginiit nito na tila lumalabas na ang pagpapatupad na lamang ng bagong buwis ang nagiging agarang solusyon sa paghahanap ng pondo ng gobyerno. (Dang Samson-Garcia)

The post Buwisan ang kasalanan ng mga senador, congressman — Lacson appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *