Buwanang cash aid `di kakayanin

Hindi sinuportahan ng Malacañang ang mungkahi ni Vice President Leni Robredo na bigyan ng cash aid na P5,000 sa loob ng apat na buwan ang mahigit 10 milyong mahihirap na pamilyang Pilipino.

The post Buwanang cash aid `di kakayanin first appeared on Abante.

buwanang cash aid di kakayanin - Buwanang cash aid `di kakayanin
abante ayuda 1 - Buwanang cash aid `di kakayanin

Hindi sinuportahan ng Malacañang ang mungkahi ni Vice President Leni Robredo na bigyan ng cash aid na P5,000 sa loob ng apat na buwan ang mahigit 10 milyong mahihirap na pamilyang Pilipino.

“Kung pupuwede po, bibigyan lahat ‘no pero wala nga po tayong sapat na pondo para diyan,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Pati po iyong ating Bayanihan II ay limited to P165 (billion), mayroon din pong probisyon na ayuda doon ‘no pero kakaunti lang po iyon compared doon sa binigay natin noong nauna under Bayanihan I,” aniya pa.

Sa Bayanihan to Heal as One Act o Bayanihan 2, 18 milyong mahihirap na pamilyang apektado ng COVID-19 pandemic ang makatatanggap ng P5,000 hanggang P8,000 cash aid subalit ito’y para sa dalawang buwan lang. (Prince Golez)

The post Buwanang cash aid `di kakayanin first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *