Butuan PNP sinalakay ng NPA

Niratrat ng hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang istasyon ng Butuan Police Station 5 sa Barangay san Mateo, Lunes ng gabi.

butuan pnp sinalakay ng npa - Butuan PNP sinalakay ng NPA
npa1 1 - Butuan PNP sinalakay ng NPA

Niratrat ng hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang istasyon ng Butuan Police Station 5 sa Barangay san Mateo, Lunes ng gabi.

Naganap ang pagsalakay bandang alas-10:00 Lunes ng gabi kung saan nagpaulan ng mga bala mula sa matataas na kalibre ng baril.

Ito ay matapos makatunog ang mga NPA na may mga sundalong Philippine Army na nasa loob ang istasyon.

Ayon kay Police Capt. Emerson Alipit, spokesperson ng Butuan City Police, “Laging prepared ‘yung mga personnel natin sa Station 5 dahil alam nila ang sitwasyon doon at mayroon ding augmentation galing sa Philippine Army at ‘yung mga residente doon sa area na iyon ay nagbibigay sila ng information.”

Wala namang naiulat na nasugatan sa naganap na pamamaril subalit nasira ang mga sementadong pader dulot ng tama ng bala ng baril.

Nagkalat ang bala ng M16, M14, at AK-47 rifle na nakuha malapit sa Subait River nang magsagawa ng clearing operation ang awtoridad nitong Martes. (Vick Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *