Bus ginawang drug den ng tandem

arrested-snatcher

Mistulang ginawang drug den ng isang driver at konduktor nito ang minamanehong pampasaherong bus sa Valenzuela City, kahapon.

bus ginawang drug den ng tandem - Bus ginawang drug den ng tandem
arrested snatcher - Bus ginawang drug den ng tandem

Mistulang ginawang drug den ng isang driver at konduktor nito ang minamanehong pampasaherong bus sa Valenzuela City, kahapon.

Ang nakaparadang bus ay ilang hakbang lamang ang layo sa police station at city hall pero walang takot na bumatak ng shabu ang mga suspek na sina Rolly Layuso, 36-anyos, kundoktor at Bryan Arrozal, bus driver, 38.

Sa ulat kay P/Col. Carlito Gaces, hepe ng Valenzuela Police, nakatanggap ng tawag sa telepono mula sa concerned citizen ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU), dakong alas-otso nang umaga.

Base sa sumbong ay may nagpa-pot session daw na dalawang lalaki sa nakaparadang Jeth Bus na may plate number TYS-403 sa isang gasolinahan sa Mac Arthur Hi-Way, Brgy. Malinta, V­alenzuela City, kung saan halos katabi lang ito ng city hall at police station.

Hindi binalewala ng SDEU ang natanggap na tawag, kaya kaagad na nagtungo sa lugar ang ilang mga tauhan nito.

Pagpasok ng mga pulis sa bus ay huling-huli sa akto sina Layuso at Arrozal na sumisinghot ng shabu dahilan upang arestuhin ang mga ito. (O­rlan Linde)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *